RaMbLinGs 101

September 18, 2006

Miss ko na ikaw.

Filed under: Uncategorized — japoax @ 7:10 am

I miss you so much, angel. Hope I could be there with you always.

I love you daddy! ^_^

July 28, 2006

wala lang,tagal di nakapost e :P

Filed under: Uncategorized — japoax @ 9:06 am

Ayun, para may ma post lang, medyo busy, ehem, lately e, tapos mabagal net sa office so medyo di ginaganahan magpost dito sa blog,

Saya nung thursday, pumunta ako sa UP Diliman, kumain ng isaw at tumambay kasama angel ko wahehe, tapos tumambay sa apartment, mas masaya dun ;) ayun tapos nakakainggit lang nung ilang days na walang pasok mga pinsan ko, hehe, buti pa sila, hehe, sarap talaga pag nag aaral pa.

Nagpapic na pala ako for my ID pic dito sa office, *wooot* hehe ayos, feel na feel ko na na employee ako dito, masaya talaga dito sa office :D

nga pala, love ko angel ko *mwah*

July 7, 2006

Masaya ako!

Filed under: Uncategorized — japoax @ 11:38 am

1 Week na ko dito, masayang masaya naman ako.. lalo na pag weekends.

Masaya din sa office, pati kina tita. lalo na sa sinehan at sa QC ;)

July 4, 2006

I LOVE YOU KRISTINE FAITH COSICO MORAL

Filed under: Uncategorized — japoax @ 6:59 am

*mwah*

July 1, 2006

I Love You Angel. :)

Filed under: Uncategorized — japoax @ 11:00 pm

At dahil alam ko ang password mo.. hehe..

Yihee.. Kami na ni Angel kaninang 5am ng July 1. :)

Mahal kita Angel.

June 21, 2006

Bakit paiba iba ng isip ang tao?

Filed under: Uncategorized — japoax @ 5:07 am

Kakainis! Kala ko smooth-sailing na this last 2 weeks na stay ko sa Iloilo, nung una ok naman, parang lahat umaayon sa plano ko, pati work load ko gumaan, parang lahat tama, pero bakit ganun? Yung boss ko nag iiba na naman ang isip, parang sa Cavite pa ata ako maassign…kainis naman…ang dami ko ng preparations para sa stay ko sa Makati, ang dami ko nang plano…

So ayun..sabi ko sa boss ko sana mafinalize na within this week, para makadecide na talaga ako… kasi naman, nagpapaasa tapos iibahin. Pag sa Cavite, hanap na lang ako ng ibang trabaho, sayang…gusto ko pa naman na tumagal sa isang company, ayaw ko magpalipat lipat ng job…

Bahala na, pero there's no stopping na sa pagpunta ko sa Pasay, hehe, sana lang maayos na to, hopefully favorable sakin, may ilang araw pa naman, help me Lord.  

June 20, 2006

T_T

Filed under: Uncategorized — japoax @ 5:09 am

Gusto ko magblog!!! Di ko alam isusulat ko!!! langya naman, kung kailan magaan na work ko tsaka pa ko nawalan ng maisusulat.

Basta, hehe, panalo Heat sa game 5 wooohooo..go Shaq! Ayun…

Tapos gusto ko matalo si Pacquiao, hehe, sama ba, pero pakiramdam ko masyado ng malaki ulo nya, hehe, opinion ko lang naman to, reality check na rin, masyado na nagfifeeling e, hehe, pero what if natalo nga sya? slide na ba career nya o maghihintay na naman ng rematch?

Ang tagal magJuly…hay…tapos 20kgs lang pala pwede ko dalhin + 3kgs max na carry on. grr…. ano lang madadala ko nito???

Post lang ulit ako guys pag medyo maayos na utak ko :D  

June 11, 2006

Inggitin ako angel, quits na tayo :P

Filed under: Uncategorized — japoax @ 5:30 am

Kahapon, habang hinihintay ko sya mag-online, binasa ko lang ang mga previous posts sa blog nya, tapos ayun, may nabasa ako about kay J P, na First love? nya ata. Hehe, nakakatawa lang kasi parang kung gaano nya kagusto si J P noon e ganoon naman ako sa kanya ngayon, tapos ayun, umandar na naman pagiging mainggitin ko, sinabi ko na bakit di nya ako directly namemention sa blog nya. Ayun tampuhan blues once again.

Hehe, so ganoon na nga ang nangyari, napasama ko na naman loob ng angel ko. haha, nabigla kasi ako, nagpost pa ko sa Peyups na kinainis nya pa lalo, pero binura ko na rin. Naguilty rin naman ako kasi laging iniisip ko na lang kung ano ang di niya ginagawa para sa kin, minsan ganoon talaga ang tao, mas manonotice ang mga pagkukulang ng iba, pero ang mga sakripisyo nya para sakin di ko nakikita, I mean, nakikita ko pero yun nga nabigla ako, kaya kung ano ano nasabi ko. Kawawa naman sya, ilang gabi na nya akong sinasabayan mag online kahit di naman kailangan. laging napupuyat dahil sa akin. Tapos kagabi sinisipon, parang uubuhin at masakit pa ang mata, pero she stayed with me the whole night.

Oo na jerk na ko kung jerk, alam ko rin naman e, pero yun, sinabi ko rin naman sa kanya ang mga naramdaman ko at kung bakit ko nga nagawa, haha, ayun, lahat talaga ng nasa isip ko sinabi ko talaga. Naiinsecure lang kasi ako kahapon, pakiramdam ko iba yung kay J P, iba yung sakin, tama nga naman, iba nga naman talaga, mas mahal nya ako kesa kay J P, nyahahaha(assuming ba?)

Tapos sabi nya pa, binoblog nya rin naman yung about sakin kaso di sa blogger, sa livejournal account nya. Hehe, e papaano ko naman kaya mababasa yun? E naka for friends only daw ata na setting. Hindi ba kami friends? haha, wala kasi akong livejournal account at parang ayoko gumawa. hehe

So ayun, naayos din naman, wala talagan tatalo sa complete honesty, haha, dapat talaga pag nagkakatampuhan di pinapatagal, kasi pag pinatagal pa yun, mas lalo lang magkakalabuan.

Ang saya after nun, ang dami na namang napag usapan na medyo di naman namin normal na pinag uusapan, hindi ko na lang sasabihin ang details kasi para sa amin na lang yun(di ba angel ;) ) kaya ayun medyo nahirapan nga ako sa pag uwi (hahaha, sya lang makakaalam kung bakit)

Kaso ang boring ng araw ko, pero ok lang din, katext ko naman sya, so masaya na rin, nakita ko na rin ulit si Bianca G. sa tv , haha, ganun pa rin, maganda pa rin, pero di na tulad ng dati na halos inaabangan ko talaga sya lagi na lumabas sa TV.

Ok naman ang episode ng 7th Heaven, tinapos ko yun bago ulit ako pumasok sa office, ineexpect ko bukas na ang office pag dating ko kasi mga 9:30 na rin naman ata yun, kaso pag dating ko sarado pa, so punta na naman ako kay bestfriend Jollibee at nanghingi ng favorite fries ko, hehe, at pagkatapos ay bumalk sa office, may tao na, wala namang kuryente sa loob, tinignan ko ang main switch ng room, ok naman e kaso abakit hindi pa umaandar, na late na naman kami nakapasok, maga lapit na ata mag 11 before nagawan ng paraan. Yun pala ang swrich sa labas ang di naka on, hay naku, ang korni ng setup ng kuryente sa building na to. So ayun, balik trabaho, balik chat na naman.

Ang daming good news regarding sa trabaho, yung site na hinahandle ko ang laki ng tinaas sa SERPs. Tapos may bago na naman akong naconvince na media partner, haha, additional traffic na naman to para sa site namin, ang masaya pa dun, parang ilang days na ko na laging may bagong link partner so medyo natuwa boss ko, lahat para sa site namin naganda lately, taas ng rankings, daming unique visitors at daming bagong media partners. Kulang na lang PR.Langya naman kasi google damot sa PR e, Kahit PR 5 lng please naman, hehe.

Maliban sa blessings sa work, may mga mas dapat pa rin akong ipagpasalamat, bait bait ni God sakin, hehe, spoiled na ata ako e, nag uumapaw ang mga blessings sana lang deserving talaga ako.

June 8, 2006

Beer+Girls= Big Trouble

Filed under: Uncategorized — japoax @ 9:32 pm

Yesterday I woke up at around 1 PM to meet my friend to get the book she borrowed from me. I didn't have time to eat lunch since we were supposed to meet by 3 PM, so i just waited for my body to wake up, hehe,mga 2:00pm pa nagising katawan ko, tapos naligo ako at pumunta sa SM. So at around 3 I got the book and went back home.

Later on, may nagyaya ng inuman, ayun, so sama naman ako since yun na lang ang time na makakainom kasama yung mga friends ko na yun since magiging busy na rin sila once classes start which is next week na ata.

At first masaya naman, hehe, kaso may dalawa kaming friends na nalasing, e parehas na babae, so paano na? at around mga 6:30 nagpresent na ang problem. Kailangan na umuwi ng iba kasi sa ibang town pa sila nauwi. So ayun, problema na, ako lang ang sa city. Di ko naman pwedeng iwan yung mga yun sa ganoong condition.

So ako ang naiwan, tinawagan namin yung ate nung isa na sunduin yung sister nya. Tapos yung isa naman…kasi ba naman, lalaki lang pinoproblemahan, e ang babata pa naman, tapos di naman panget, haha, may mga itsura naman, kaso yun…kasi yun isa, ang trip ata e yung mga Über handsome na mga lalake na rakista type.

So ayun hinintay pa namin yung ate nung isa, tapos yung isa dun na rin pinatulog sa kanila, hehe, ako pa nagbayad ng bill nung ininom nila..hehe, ok lang naman kasi minsan lang naman yun. Badtrip nga lang kasi nag away pa kami ng angel ko dahil dun ( which I'm glad na tapos na, kagabi pa). Sabi ba naman nya kasi iuwi ko na lang daw, hehe, my old self would have said "why not?" type ko pa naman dati yung isa..hehe. Pero di ako ganung type, lalo na at wasted na talaga yung babae, so ayun, medyo it hit a nerve, kasi sakin I'm doing it lang naman kasi friends ko rin naman yung mga nalasing. So ayun.haha, Sensya angel kung napost ko dito ha :D

Pero ok na naman, Yun nga lang, hehe, di na ko sasama pag may babae for two main reasons. Una, dahil mahirap mag alaga ng babaeng lasing, haha, ang awkward, parang di mo mahawakan kasi baka kung ano na isipin, lasing pa naman, baka mag eskandalo pa, Ikalawa, dahil ayaw ko na magselos angel ko

Therefore, I conclude na Beer+Girls = Big trouble :P

June 2, 2006

Angel ko nga pala Guys :D

Filed under: Uncategorized — japoax @ 3:21 am

Angel ko

Just want you guys to know :D

 

Older Posts »

Theme: Silver is the New Black. Blog at WordPress.com.

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.