Kahapon, habang hinihintay ko sya mag-online, binasa ko lang ang mga previous posts sa blog nya, tapos ayun, may nabasa ako about kay J P, na First love? nya ata. Hehe, nakakatawa lang kasi parang kung gaano nya kagusto si J P noon e ganoon naman ako sa kanya ngayon, tapos ayun, umandar na naman pagiging mainggitin ko, sinabi ko na bakit di nya ako directly namemention sa blog nya. Ayun tampuhan blues once again.
Hehe, so ganoon na nga ang nangyari, napasama ko na naman loob ng angel ko. haha, nabigla kasi ako, nagpost pa ko sa Peyups na kinainis nya pa lalo, pero binura ko na rin. Naguilty rin naman ako kasi laging iniisip ko na lang kung ano ang di niya ginagawa para sa kin, minsan ganoon talaga ang tao, mas manonotice ang mga pagkukulang ng iba, pero ang mga sakripisyo nya para sakin di ko nakikita, I mean, nakikita ko pero yun nga nabigla ako, kaya kung ano ano nasabi ko. Kawawa naman sya, ilang gabi na nya akong sinasabayan mag online kahit di naman kailangan. laging napupuyat dahil sa akin. Tapos kagabi sinisipon, parang uubuhin at masakit pa ang mata, pero she stayed with me the whole night.
Oo na jerk na ko kung jerk, alam ko rin naman e, pero yun, sinabi ko rin naman sa kanya ang mga naramdaman ko at kung bakit ko nga nagawa, haha, ayun, lahat talaga ng nasa isip ko sinabi ko talaga. Naiinsecure lang kasi ako kahapon, pakiramdam ko iba yung kay J P, iba yung sakin, tama nga naman, iba nga naman talaga, mas mahal nya ako kesa kay J P, nyahahaha(assuming ba?)
Tapos sabi nya pa, binoblog nya rin naman yung about sakin kaso di sa blogger, sa livejournal account nya. Hehe, e papaano ko naman kaya mababasa yun? E naka for friends only daw ata na setting. Hindi ba kami friends? haha, wala kasi akong livejournal account at parang ayoko gumawa. hehe
So ayun, naayos din naman, wala talagan tatalo sa complete honesty, haha, dapat talaga pag nagkakatampuhan di pinapatagal, kasi pag pinatagal pa yun, mas lalo lang magkakalabuan.
Ang saya after nun, ang dami na namang napag usapan na medyo di naman namin normal na pinag uusapan, hindi ko na lang sasabihin ang details kasi para sa amin na lang yun(di ba angel
) kaya ayun medyo nahirapan nga ako sa pag uwi (hahaha, sya lang makakaalam kung bakit)
Kaso ang boring ng araw ko, pero ok lang din, katext ko naman sya, so masaya na rin, nakita ko na rin ulit si Bianca G. sa tv , haha, ganun pa rin, maganda pa rin, pero di na tulad ng dati na halos inaabangan ko talaga sya lagi na lumabas sa TV.
Ok naman ang episode ng 7th Heaven, tinapos ko yun bago ulit ako pumasok sa office, ineexpect ko bukas na ang office pag dating ko kasi mga 9:30 na rin naman ata yun, kaso pag dating ko sarado pa, so punta na naman ako kay bestfriend Jollibee at nanghingi ng favorite fries ko, hehe, at pagkatapos ay bumalk sa office, may tao na, wala namang kuryente sa loob, tinignan ko ang main switch ng room, ok naman e kaso abakit hindi pa umaandar, na late na naman kami nakapasok, maga lapit na ata mag 11 before nagawan ng paraan. Yun pala ang swrich sa labas ang di naka on, hay naku, ang korni ng setup ng kuryente sa building na to. So ayun, balik trabaho, balik chat na naman.
Ang daming good news regarding sa trabaho, yung site na hinahandle ko ang laki ng tinaas sa SERPs. Tapos may bago na naman akong naconvince na media partner, haha, additional traffic na naman to para sa site namin, ang masaya pa dun, parang ilang days na ko na laging may bagong link partner so medyo natuwa boss ko, lahat para sa site namin naganda lately, taas ng rankings, daming unique visitors at daming bagong media partners. Kulang na lang PR.Langya naman kasi google damot sa PR e, Kahit PR 5 lng please naman, hehe.
Maliban sa blessings sa work, may mga mas dapat pa rin akong ipagpasalamat, bait bait ni God sakin, hehe, spoiled na ata ako e, nag uumapaw ang mga blessings sana lang deserving talaga ako.
uhm.. kamusta naman sa pagpost ng pangalan ni Josef Plata dito?
)
Comment by faith — June 11, 2006 @ 12:10 pm
di naman nya mababasa yan
Comment by ^_^ — June 11, 2006 @ 2:25 pm
sana nga.
Comment by faith — June 11, 2006 @ 4:57 pm
errr.. ginawa mo ngang j p, meron namang surname dun sa ibang parts. hahaha.
Comment by faith — June 11, 2006 @ 4:57 pm